i dunno what to sei..

April 10th, 2006 by minagzel21

whoa!its been quite a while since i last updated my blog..now here’s another entry.,wala lang..just so u know.,di ko aman maxadong pinababayaan account ko..hehe

i miss my mami..not mami as in your instant noodles huh..i meant my mommy.,ina,inay,nanay,at m a m a para sa meng magkakapatid..inde sa wla na sila ni papa huh.,not in the so distant future kaia..kagabi lang chummy-chummy pa sila eh,labing-labing at kung anu pang next to that,i don’t want to think about it..hehe

wala lang.,i can’t sleep kagabi then i came to realize,ui miss ko na si mama..though magkasama lang kameng nagshopping sa divi kahapon..hehe

you know.,ung feeling na dati paggising mo,anjan na nakahanda na lahat ng kakainin mo,tapos bibihisan ka pa diba?

ung feeling n iniipitan ka pa ng buhok,tapos may time nun na umiyak ako kase ayaw ko ung ayos ng hair ko,grabe,gusto nya na kong sabunutan non eh.hehe lamo ung paxenxa nya sa mga batang umiiyak for no apparent reason at all?singnipis ng buhok ko,at singhaba ng baby bgangs ko..oo totoo..kala mo joke taym?

miss ko na din ung manggigising xia sa umaga tas pag di ka pa bumangon,sisisgaw na un na parang sa sirena ng ambulanxa.,ganito oh..ehem.."GIEZZELLE, CATHERINE ANO BA?!TANGHALI NA!" uu ganon ..kaya lang ngayon sila nalang nagaganon eh.,ako inde na,since college na,hawak ko n oras ko..

haiz.,minsan nakakamiss din ung mga walang katuturang pag-iyak nya sa mga drama series.,corny noh?

tsaka ung mga ‘girltalk’ namen..

dami ko ng namimiss..kase xobrang bus sa work eh,nut then i know its for all of us,lalo na ngayon na di na ganon ka-in demand ang business ni father,.

but then i do understand her,kitams naman,,nasusunod luho nameng magkakapatid and some other stuff..

i rii dunno why im doing this..im just feeling a bit nostalgic right now..

hay,basta noh..next taym ibang family memeber naman ibubunyag ko dito..hehe..

mishu mama!=D 

baket takot ang block namen sa highlighter..

March 28th, 2006 by minagzel21

dugdug,dugdug,dugdug.. starstruck says thank
you to..
nyahehe..iba pala un..pero gnyan ang heartbeat
namen nung lunes(032706),parang ‘friday fright
night’ nun sa starstruck..

ayan na..
marquez.,

miram

yay!parang napakatagal ng paghihintay ko para sa
pesteng classcard ko.tapos yung prof parang
nangaasar pa, ambagal magbigay ng grades!
shucks ako na pala..ano kayang nakuha ko?
singko?tres?

mones..

ayan na.,ayan na ang mahiwagang highlighter ni
mam,kulur green pa.,unti unti na siyang lumalapat
sa pinakamamahal kong classcard.at aiun! ang 2.5
hinighlight-an nya na.whew! the moment of truth
has arrived. ayos lang.yun naman na talaga ung
inexpect kong grade eh.ano ba?si ———– un noh!
yung nagpapaulan ng ’sakto’!asa pa ko.,

pagkakuha ko ng aking pinakamamahal na
classcard,napatingin ako sa expectant na mukha
ng aking mga kamag-aral.ano kayang iniisip nila?
iniisip kaya nilang naktres ko?iniisip kaya nilang
isa ako sa mga maswerteng nakakuha ng
matinong grado?o mataas na grade?malabo..*asa?!
*
o iniisip nilang madadagdagan ang ‘crusada sakto’?

aba.,anyabang ko!xempre pasuspense muna
ko..ayan na.,nagtatanong ang kanilang mga
mata..bwahahaha..at may inde nakatiis,tinanong
na ko:"mina,ilan ka?" ngiti lang ang isinagot
ko.,sabay silid sa bag ng classcard kong 2.5 ang
grade sa trigo.

hala.,andami ng umiiyak..nagmistula ng lamay ng
kung sino ang GL 306.,andami ring
nangongonsole..mabuti nlang ligtas ako!YESSS!
pero sa ngayon lang.nag-aabang pa pala ang pink
highlighter ng prof ko sa bio.

s labas pa lang ngtatanong na kaming
magkakaibigan.aba! ang young and sweet look ng
prof namen ay isa pa lang malaking facade!akalain
mo.,tres naman ang paulanin ngayon?para kaming
naglalaro ng computer game,unti unting nauubos
ang powers..

nyay! kinabahan na talaga ko,nakita ko na naman
yung highlighter at ngayon pink naman..saan?sa
clascard ng blockmate kong matalino!grade
nya:2.5. shet! takot na ko sa highlighter!!!!!!!!
@#$%^&*+ naman oh! pano pa ko?!

hala.,UP naba ko?yan nanaman yung sobrang
kaba..tulakan pa kaming magkakaibigan sino
mauuna..

‘kaw na,kaw matalino sa bio dito eh’

‘eh,ayoko nga!’

‘ o sige, ako na!’

huwaw..antapang!

apelyido?ticzon po..
apelyido?dionisio po..

nyay ako na!

apelyido?mones po..

ay,futek naman oh! yun lang grade ko?bah., ayaw
pa ipakita computation ng grade namen..hmm.,
something fishy,eh?!

alam mo yung building na bumagsak patagilid sa
divisoria nun?aiun,ganun din ata pagguho ng mga
pangarap kong umabot sa GWA.pero..

misery loves company diba?napangiti pa din ako..
kumbaga kase sa sabong,pumapalo pa ko.,yung
iba nga eh, talunan na.,lalo n ung mga
dalawa ’sakto’?ah un,tinolang texas
na.,hehehe..pero di pa rin nakasisiguro..nabawi ko
man ung mababa ko dahil sa grade ko sa
socsci12 ko,beware pa din ako..

malay ko ba kung sa huwebes,orange highlighter
naman hawak ng chem prof ko at blue highlighter
naman sa EPI12 ko..

bat ba kase nauso yang puñetang highlighter na
yan eh!?bilugan na lang kase yung uno!o yung
singko!

*note:ang nagsulat ay walang magawa sa iba’t
ibang kadahilanan (i.e. gumawa ng wala) kaya’t
minabuti nyang isulat na lang ang mga madugong
pangyayari at pagkawasak ng ilan sa mga
pangarap ng kanilang block..=P

Lord have mercy on us..

alay sa mga blockmates kong..

March 24th, 2006 by minagzel21

if you’re not into stupidity and nonsense then stop
reading this..im into stupidity at the moment.
*note:bilangin kung ilan beses ko sinabi ang
salitang stupidity* para lang to sa mga kaistupidity-
han ng block namen..di kita pinilit na basahin to
huh..

haiz.,tapos na naman ang isang sem..

kaya eto agad unang pumasok sa isipan ko..

salamat..

para sa mga taong mukhang weirdo nung first day
sa mga taong paimpress nung first day..(sana may
naimpress sayo..haha)
sa una kong nakasama nung pers day..
sa mga kablock kong makukulit at kJ
mamimiss ko kayo..

sa mga taong nangopya, nagpakopya at ayaw
magpakopya
sa mga walang katapusang tawanan at at trip
at walang humpay na kasiyahan..
mamimiss ko yun

sa mga leakage nung pers sem na inde dumating
ngayong sem..
sa mga umasang magkakaron ng leakage dis sem
at sa prof na umiyak kahit wala namang lumabas
na leakage sa subject nya..
mamimiss ko toh..

sa mga nakasundo ko agad dahil parepareho
tayong may saltik..hehe
sa mga lage kong nakakausap
sa mga nagtyaga sa king kumausap..
at sa hindi ko man lang nakausap
mamimiss ko kayo..

sa mga taong laging present..
at sa mga laging absent..
sa mga taong present nga pero absent ang isip..
at sa absent at absent din ang pagiisip
sa mga pumasok para may baon
at lumandi..
mamimiss ko pa din kayo..

sa mga taong nakasakit sakin..
alam mo man o hindi..
sinasadya man o hindi..
salamat..
marami akong natutunan..
tulad ng:pagtitiwala,pag-asa at ang maramdaman
ang kamanhidan..ung parang di ka tao..
mamimiss ko pa rin kayo

sa mga taong nakasama ko..matagal man o hindi..
sa mga kaylan ko lang nakausap
at sa mga matagal ko ng nakakausap..

sa mga prof..
na lasing..
na magaling…
na walang maiturong matino..
kuripot magbigay ng grades..
"anak" kung tayoy ituring..
tamad..
mataas magbigay ng grade
at (maglagay ng adjective hir)
salamat sa kanila..

sa mga blockmate kong nakabasag ng apparatus
sa mga puro incomplete
sa mga palpak ang ginawang sabon
at sa mga may minus..
kawawa naman tayo noh?hehe

sino pa ba?

ah.,oo

ung mga acoustic gigs sa rum
dramahan at eksenahan
iyakan at awayan..
kalandian at at at ka–blah blah-han?!
eto sobrang mamimiss ko..

ung mga taong dumamay, sumang-ayon at
sumalungat sa mga pinagsasasabi at ginawa ko..
sa mga taong pinanganak para mangulit ng
blockmate,maghanap ng hapiness kahit wala sa
rum..*ui*hehe

sa mga ka-chismaxan ko..
sa tRes istupidas na binansagan ko..
sa mga kasama ko sa trip sa buhay
sa nabuntis daw?!
sa mga magiging kumare ko at kumpare sa
nabuntis daw?!
at sa mga nong-nang nila..hahaha
sa mga inaway ko..meron ba?!
at nakapisikal-an ko..
at sa mga kasama ko maski linggo dahil sa
puñetang ro
sa inyong lahat..

uhm.,sa dami ng sinabi ko..
gusto ko lang magpasalamat at sabihing ‘ wala
lang’..
alam mo man o hindi kung baket ko pinagsasabi
toh..
eh salamat pa din sa inyo..
dahil binasa mo ang walang kakwentakwentang
entry ko..oo aminado ako..

at sana sa monday,may maUP man o wala..sana
wala..
samasama pa din tayo sa iyakan at
tawanan..dahil..wahaha naunder prob xia!joke!
ehehehe..

sana batian pa din kahit iba iba na tayo ng
kursong tinatahak sa buhay..
shet.,lumuluwag na dila ko..
mamimiss ko kayo..lahat kayo..
walang halong kaplastikan toh..

ehehe..at dahil tapos na ang nonsense entry ko..
salamat huh..un lang..

one and only?

March 15th, 2006 by minagzel21

yeah right,one and only my a*s!*sarcastic*

who are you kidding?

or are you one of those tanga to the nth level na?! pwede ba? ur ruining my day!

sheesh..how stupid can you get?

for all we know..

he’s out,looking and searching for another stupid victim..or textin another victim?

my god! ganon naba ang lebel ng katangahan sa mundo ngayon?! jeez.,i shouldn’t have read that one..it made me furious..really.,

did you actually think he’d stick to one?haha..imbecile..

wanna know when will it happen?

when she comes back.,but i dunno..maybe it wont happen na din..

kaasar xobra..

thank heavens i don’t know you..if i do.,tsk.tsk..ayoq na magsalita..

STUPID PEOPLE SUCK! and i ROCK!=p

sum kind of a nice artik!i was moved!

March 15th, 2006 by minagzel21

“Jayson, si Vicky ‘yun ‘di ba?”

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Si Vicky nga ba?

“Asan?”

Hayun, naglalakad sa labas. Papalapit na nga dito eh, tumatawid na sa pedestrian lane. Teka, parang iba. Wala na ‘yung buhok niyang hanggang baywang. Boy-cut na. Ayan na, ayan na! Sabay isinubsob ko ang sarili ko sa kinakain kong french fries. Baka makita niya ako. Huwag ngayon. Huwag muna ngayon.

“O pare, bakit ka nagtatago diyan?”

“Sh*t ka, Jake…”

Teka, bakit nga ba ako nagpapakatangang nagtatago rito?

Si Vicky ang first girlfriend ko. Antagal din namin, halos apat na taon. Hanggang ngayon, ‘di ko pa rin maintindihan kung bakit ko ba naisipang pumayag na makipag-break. ‘Di ko rin inaasahan ‘yun. Parang nabasa niya ang utak ko nang tanungin niya ako kung napapagod na ba ako sa ganun. Palagi na lang kasi kaming nagtatalo, madalas puro kababawan pa. Parang ‘di niya naiintindihan. Tapos parang bata pa kung tumakbo ang utak niya. Sabagay, tatlong taon din naman ang itinanda ko sa kanya. Antigas ng ulo. Nakakairita.

Ngayon, dalawang buwan na kaming hindi nag-uusap. Walang tawagan o text man lang. Ewan ko ba, parang nagpapatigasan kami. Eh anong sasabihin ko? ‘Di ko rin alam eh. ‘Di ko alam kung paano ko sasabihing mahal ko pa rin siya.

Paano? Masyado siyang mabilis. Tingnan mo nga o, dinaanan lang kami dito.

Napatitig ako sa kawalan ng ilang minuto bago ko ibinaon ang mukha ko sa aking mga palad.

“Sh*t, Jake…”

Naramdaman kong pinisil niya ang braso ko. “Kaya mo ‘yan, pare,” ang pabiro niyang sabi.

Kaya ko ‘to.

******

Ang init naman! Sa McDo kaya ako maglunch. Para aircon. Hehe.

Ow sh*t, si Jake ‘yun ah? At mas lalong sh*t. Kasama niya si Jayson. Paano na ba ‘to, masyadong obvious kung babalik pa ako, eh nakatawid na ako. Dederetso na nga lang ako. Pasimple na lang, kunwari ‘di ko sila nakita. Basta, huwag ngayon. Huwag muna ngayon.

Teka, bakit nga ba ako nagpapakahirap na umiwas sa kanya?

Si Jayson ang unang boyfriend ko. Matagal din kami. Naging masaya naman ako sa kanya, kasi pakiramdam ko alagang-alaga talaga ako sa kanya. Ah basta, masaya lahat. Nakakalungkot nga lang na humantong kami sa ganito.

Ewan ko ba, pero napansin ko na lang na parang nagbago na siya. Parang ‘di na siya katulad ng dati na palaging siya ang umaamo sa akin kapag nag-aaway kami. ‘Yung huli nga, nasigawan pa niya ako. Sa mga sinabi niya, ang labas, para akong pasanin sa kanya na mahirap dalhin.

‘Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at tinanong ko pa siya kung ayaw na niya. Basta, para kasing kahit anong gawin namin eh ‘di na talaga kami nagkakasundo. Kaya binigay ko na lang sa kanya ‘yun.

Alam ko ‘yun, ‘di naman ako manhid. Pinakawalan ko siya.

Kung sa akin lang, ‘di ko naman talaga gusto ‘yun. Pero alam kong ‘yun ang kailangan niya. ‘Yun din ang gusto niya. Kaya sige, kunwari unaffected na lang ako. ‘Di naman ako patatalo nang ganun-ganun lang ‘no. ‘Di ako nagpakita ng luha. Pinakita kong gusto ko rin ‘yun para hindi na siya mahirapan. Sa akin na lang ‘yun.

Ngayon, halos dalawang buwan na kaming ‘di nag-uusap. Walang pansinan. Eh ano pa bang sasabihin ko? Ayoko namang kainin lahat ng sinabi ko sa kanya. Ubos na ang panahon ko para gawin pa ‘yun, kumbaga sa computer game eh game over na ako. Na walang continue o try again.

Anong sasabihin ko, na mahal ko pa rin siya? Nye. Gudlak na lang sa akin kung tatamaan pa siya dun. Tingnan mo nga, parang wala na talaga siyang paki. May bago kaya siyang GF? Ewan, eh mukha na kasi siyang masaya eh. Hahayaan ko na lang siya.

Dito na nga lang ako dadaan. Teka, sige na nga, maitext nga si Jake. Mangungumusta lang. Hala sige, pindot.

Message sent.

******

“Jayson, si Vicky ‘yun ‘di ba?”

Waw. Kakaiba. Anong nangyari sa buhok nun?! Naubos ah. Parang mas mahaba na ngayon ang buhok ko sa kanya. Pero okey naman, bagay pa rin naman. Maganda pa rin siya.

“O pare, bakit ka nagtatago diyan?”

“Sh*t ka, Jake…”

Mas sh*t ka.

Akala mo ‘di ko alam kung gaano mo siya nasaktan? Jackpot ka na sa kanya eh, tapos pinakawalan mo pa. Oo, ‘di ko alam ang buong kwento ninyo, alam kong ang mga sinasabi niya sa akin ay ang mga bagay lang na gusto niyang sabihin para ang kalabasan ay hindi lang ikaw ang nasa mali. Inamin niya ang mga bagay na ‘di niya ginawa o dapat ay ginawa niya para sa’yo. Pero ang alam ko, sinaktan mo siya.

Bakit ba kasi ayaw mo siyang kausapin? Konting lunok lang naman sa pride ang kailangan mo eh. ‘Di ba sabi mo sa akin, mahal mo pa rin siya?

Teka, bakit nga ba ako nagagalit sa iyo?

Simple lang naman. Dahil kaya mong itapon nang basta-basta ang pagmamahal na kailanman ay alam kong ‘di ko makukuha.

Nagmamahal din ako. Pero pinilit kong itago, dahil alam kong walang babalik sa akin. Kasi, andiyan ka.

Nung Sabado lang nang nagpasama siya sa akin para lumabas, pinalutang ng alak ang pinakatatago ko. Ang tinangka kong nakawing halik ay kusa niyang ibinigay.

Akala ko nun ayun na, pero “sorry” daw. Sori, lasing na rin yata ako eh. Sori, mali. Sori, ‘di ko dapat ginawa ‘yun. Anak ng p*cha! Ikaw pa rin ang iniisip niya. Ikaw pa rin ang mahal niya. Ano ba naman ang laban ko sa’yo? Ano ba naman ang binatbat ko sa apat na taon ninyo?

Toot, toot. Toot, toot.

Si Vicky.

hi… nakita ko kayo sa mcdo.Ü
so, musta? eh si jays, musta nmn?Ü

“Sh*t, Jake…”

‘Di ko alam ang sasabihin ko sa iyo. Mabuti na rin sigurong huwag ko na munang ipaalam sa iyo na hanggang ngayon ay kinukumusta ka niya palagi sa akin. Sorry pare, kaibigan kita, pero ‘di ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa iyo ngayon.

“Kaya mo ‘yan, pare,” ang pabiro kong sabi.

Ako rin, kaya ko ‘to.

#######################

huwa..nice artik..nadampot ko sa peyups..i hope d author wudn’t mind..di ko naman inangkin diba?juz wanted to share..

ako din may sumkinda story..pero di pa panahon para magkwento..

its confined within the nerves of  my f*ckin brain..hekhek..

i juz hope that when i have the courage to relate and reminisce ‘those’ memories,di na ko affected..

oo,

tama ka,

duwag din ako..

nakamaskara..

kailan?

saan?

hindi ko alam..

regrets..

March 10th, 2006 by minagzel21

haAy.,di ko na maintindihan sarili ko..minsan ganito minsan ganon.. ngayon?im caught in the middle..bakit pa kasi ako napadaan sa lugar na un eh!? nadagdagan pa tuloy problema ko..wala pa mandin ako sa panahon magkaron ng lalakeng poproblemahin..tigil ka na plish? maayos na nga eh..sana talaga di na ko nagpunta dun,sana di mo ko nakita,sana di ko ginwa un..huhu

problema ko pa tuloy how to tell him..huhu dunno wat to do,,ayoko ren makasakit ng ibang tao..but i want to spite ‘him’,ayoko rin manggamit pero ang gulo..ung "sinister sister" sa loob ko gusto ng kumawala at maghasik ng lagim..pano na yan?

problema ko pa din ung isa..at isa pa,,ako kaya pinoproblema nya?bakit ganon? sige na nga.,di ko na xia ‘lalandiin’..sori direk.,di ko po pala kayang..mawala xia saken..di ko kayang walang napaghihingahan ng sama ng loob,,di ko kayang walang nagpapatawa saken sa mga simpleng txt msgs nya..ayokong isiping bukas di nya na ko kilala..baka iwasan na ko nun..mas inde ko kaya..tama na saken ganito kesa i-risk ang tanging bagay na pinanghahawakan ko..tulungan nyo ko..im really torn..

=’(

dis is me now..

March 5th, 2006 by minagzel21

after all the things that has happened in my life..

..hardships,

struggles,

laughters,

realizations,

chismax sessions..

flunking my exams..

ace-ing?! some of my exams,*meron kaya?!hmm*

all i can say is..

i’ve become a BETTER person..not a BITTER person..

ciAo!=D

what ifs..

March 5th, 2006 by minagzel21

its one of the saddest phrase i know..

idamay mo na ang ’sana’

kaya SANA..we should take chances and the risks as well..

para di naten habang buhay tatanungin ang mga sarili natin ng ‘WHAT IF?’..

WALA LANG..nashare lang..

its really sad..

quote..unquote..

February 25th, 2006 by minagzel21

once you think of your own happiness selfishly, you’re bound to break relationships..

sometimes you have to learn to let go..to know if you have something to hold on..

love.. is a friendship set on fire..

inde lahat ng pag-aari mo ay sayo,,

‘how long do i have to wait?’.. i think the question you should be asking yourself is., ‘is he worth the wait?’ and even if he is.,there’s no assurance that what you’ve waited for would turn out the way you want it to be..

nagtataka.. simple lang naman sana ang buhay..kung ika’y matino..

loving an imperfect person perfectly., this is what true love means..

its hard to pretend you love someone when you really don’t,but its harder to pretend that you don’t love someone when you really do..

i don’t miss him.. i miss who i thought he was..

one liner..

February 25th, 2006 by minagzel21

xia: sabihin mo kase kay raymond na lang xia eh..

me: nyeh! para kang pinakakain ng pagkain na hindi mo naman gusto diba?

xia: di mo nga gusto,.baka di mo pa naman natitikman yung food tapos sasabihin mo di mo gusto agad..

        *astig ka talaga kaibigan..sana di ako mahulog..